A training on Goal-Oriented Project Planning (GOPP) was held for farmers and fisherfolk support organizations last January 9-11 at the Jovenes Foundation Seminar House in Cubao, Quezon City. MASAI Consultant Belna Cabasan conducted the training for eight participants coming from the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), the National Federation of Peasant Women (Amihan) and the Office of Representative Rafael Mariano.
Participants initially had workshops for the identification of the core problem that they want to address. Commonly referred to as the Problem Tree Workshop, the workshop resulted in determining the core problem, the main problems, their causes and contributing factors.
This was followed by the exercise on completing the Objective Tree. From this activity, the group proceeded to coming up with their alternative strategies in tackling development problems. Several other steps were then undertaken by the group including the identification of activities and objectively verifiable indicators (OVIs).
The workshop outputs shall be used by the participating organizations in their planning as well as in formulating their proposals to funding partners. The three participating people’s organizations, KMP, Pamalakaya and Amihan have previously worked with MASAI in their program evaluations.
MASAI Executive Director Tackles Partnership Issues in Marinduque Forum
MASAI’s Executive Director Rosario Brenda Gonzalez gave an input on “The Principles, Mechanisms and Good Practices on Partnership” on January 13, 2012 for the Marinduque Development Partnership (MDF), a recently formed group of government, non-government and community-based organizations. As many of the participants are from the latter, forum organizers requested that the sharing of Ms. Gonzalez be written in Filipino.
The Marinduque Development Partnership members presented an update of their development work, reviewed their partnership initiatives and came up with common plans for future undertakings. It was initially organized by the Norwegian Mission Alliance (NMA) which implements community-based development programs in the Buenavista and Torrijos towns in Marinduque.
Marinduque Governor Carmencita Reyes delivered an inspirational talk while NMA’s Emerson Moran gave the Opening Remarks during this Partners’ Forum. It was participated in by more than 150 representatives of government agencies, non-government and community-based organizations, church groups and other socio-civic organizations.
Below is the sharing of Ms. Gonzalez on partnership.
Mga Prinsipyo, Mekanismo at Ilang Natatanging Praktika ng Pakikipagtrabaho at Pakikipag-Ugnayan sa Iba’t Ibang Organisasyon
Ang gawaing pangkaunlaran o “development work” ay umusbong at unang nakilala noong panahon ng 1980s. Ito rin ang panahon ng batas militar at panahong may malaking pangangailangan sa mga programa at serbisyong pangkaunlaran. Mula noon hanggang ngayon ay may ilang mga salita ang nadagdag sa bokabularyo ng mga nagtratrabaho sa mga social development organizations at sa mga ahensya ng pamahalaan. Isa na rito ang “partnership”. Ganun din ang mga salitang output, impact, effects, networking, people’s organizations at non-government organizations.
Ang salitang partnership sa konteksto ng development work ay nagmula sa mga karanasan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtrabaho sa iba’t ibang organisasyon. Kung ating matatandaan ay napakaraming ugnayan ng mga organisasyon noong mga taon bago nagwakas ang gobyerno ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Alliances, consortium, network, federation – ilan lamang ito sa mga tawag sa mga organisasyon na binubuo ng iba’t iba pang organisasyon. Lahat ito ay pumapaloob sa partnership. Maaari ring ang partnership ay sa pagitan ng isang indibidwal at isang organisasyon o sa pagitan ng maraming indibidwal at isang organisasyon.
Nang lumaon, naging karaniwan nang bukambibig ang katagang “partner namin sila”. Ano nga ba talaga ang kahulugan ng partnership sa konteksto ng development work sa pangkalahatan at sa konteksto ng gawain ng Norwegian Mission Alliance (NMA) sa Pilipinas, lalong lalo na sa Marinduque.
Ang karanasan ng NMA sa Marinduque ay nagluwal ng mga aral na maiging isa-dokumento upang maging bahagi ng pang-institusyunal na kasaysayan nito. Isa sa mahahalagang aral nito ay ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan o pakikipag-partner ng NMA sa mga mamamayan, organisasyon at institusyon.
Ang partnership na ito ay nakabatay sa mga sumusunod na prinsipyo at paniniwala:
- 1. Aktibo at substansyal na partisipasyon ng mga mamamayan sa mga programa, gawain at patakaran hinggil sa malawakan at pang-matagalang kaunlaran
Anumang programang pangkaunlaran ay dapat na nagmumula sa mga kaalaman, karanasan, kasanayan, kultura at pamamaraan nang pamumuhay ng mga mamamayan sa isang partikular na komunidad. Tungkulin ng mga pangkaunlarang organisasyon na kalapin at isistematisa ang mga saloobin, aspirasyon, kasanayan at kaalaman ng mga tao at bigyang hugis ito sa isang istruktura at programa.
Ang mga aspeto at bahagi ng istruktura at programang pangkaunlaran ay dapat ding maging resulta ng regular na konsultasyon at partisipasyon ng mga mamamayan. Sa ganitong paraan ay magkakaroon nang malasakit ang mga tao sa magiging aktibidad at gawain ng programa. Magiging aktibo sila sa paggampan ng mga gawain at pagpapatupad ng programang pangkaunlaran. Hindi nila basta-basta maiiwan ang programa dahil alam nilang kasama sila rito. Ang katotohanan nga ay sa kanila ang programa. Sila at wala nang iba ang nagmamay-ari ng programa.
At dahil ang mga tao ay may malalim na pang-unawa at matagal na karanasan sa komunidad, ang programang pangkaunlaran na madedesenyo ay magiging malawakan at pang-matagalan. Masalimuot ang pangkaunlarang sitwasyon sa komunidad kaya panigurong maraming suliranin at hamong nararanasan ang maibabahagi ng mga tao. Batay dito ay hindi magiging panandalian at pang-iilan lamang na indibidwal ang lilitaw na programang pangkaunlaran.
- 2. Kaisahan sa mga isyu at paniniwala
Ang isang partnership ay dapat na nakabatay sa mga kaisahan hinggil sa mga kongkretong isyu at paniniwala. Hindi tatagal ang isang partnership kung walang pagkakaisa ang bawat kasapi sa partnership hinggil sa mga partikular na isyung kinakaharap. Halimbawa, ang mga mamamayan sa mga program areas ng NMA sa Marinduque at ang NMA ay dapat na may pagkakaisa nang pagtingin sa kung ano ang tunay na pag-unlad ng isang komunidad. Maaaring hindi pa ganitong kalalim ang kanilang pagkakaisa subalit dapat ay may isang antas na ng kaisahan, halimbawa ay ang parehong paniniwala sa kahalagahan ng presensya ng isang NGO at development organization na kasabay na makikipaglakbay sa mamamayan upang marating ang isang antas nang pag-unlad.
- 3. Pagtitiwala at respeto sa isa’t isa
Para maisakatuparan ang partnership, dapat na may pagtitiwala at respeto sa isa’t isa. Hindi sa lahat ng isyu ay magkakaroon ng iisang pagtingin at pagsusuri ang dalawang grupo. Ang importante ay malinaw sa kanila kung saan sila nagkakaisa at dito iikot ang kanilang partnership. Inaasahan na may panahon na magkaiba ang kanilang posisyon sa isang isyu at ito ay natural lamang na mangyayari. May kani-kaniya silang karapatan at kalayaang magkaroon ng posisyon o paninindigan sa isang isyu at hindi ito magiging sanhi nang pagkawala ng pagtitiwala at respeto sa bawat isa.
- 4. Pagiging bukas sa mga layunin at gawain ng organisasyon
Mahalaga para sa integridad at kredibilidad ng isang organisasyon na bukas ang mga institusyunal na rekord nito para sa publiko. Kabilang dito ang mga annual report at audited financial report. Dapat ay alam din ng ka-partner na organisasyon o indibidwal ang ganitong mga impormasyon hinggil sa organisasyon. Pamilyar naman ang karamihan sa pangangailan ng mga daluyan ng ganitong impormasyon kagaya nang pagkakaroon ng web page, regular na publikasyon at paglalabas ng annual report.
Bukod sa mga prinsipyo na pinagbabatayan ng isang partnership o pakikipag-ugnayan, mahalaga rin na may mga kongkretong mekanismo na dadaluyan at higit pang magsisistematisa rito. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
- a. May malinaw na tao at yunit sa organisasyon na may tungkuling gampanan ang pakikipag-ugnayan
Ang isang partnership ay hindi basta basta na lamang iniluluwal ng pagkakataon, bagkus ito ay pinapaunlad at pinapayabong. Isa sa pamamaraan para magawa ito ay sa pagsisiguro na may staff at yunit sa organisasyon na nakatalaga upang gumampan ng gawain sa pakikipag-ugnayan. Dapat siguraduhing malinaw sa kanya at sa iba pa nyang kamanggagawa o kaopisina ang kanyang mga tungkulin at gawain.
Ganun din ang anumang organisasyon na nakikipag-ugnayan ay dapat na may naitalaga ring kinatawan. Dapat ay hindi pabago-bago ang mga staff at kinatawan na gumagampan ng gawaing pakikipag-ugnayan o partnership. Sa ganitong paraan ay mas nakikilala at nauunawaan ng bawat mag kapartner na organisasyon ang isa’t isa.
- b. Sistema nang pagsubaybay at pagtatasa sa mga layunin at alituntunin ng pakikipag-ugnayan
Ang anumang partnership sa pagitan ng dalawang panig o organisasyon ay dapat na may malinaw na direksyon at mga layunin. Batay sa mga layuning ito, ay may mga tinutukoy at pinagpaplanuhang mga gawain. Pana-panahon ay dapat ding balikan at subaybayan (monitor) at tasahin (evaluate) kung naisasakatuparan ang mga gawaing nasa plano. Ang resulta ng pagsubaybay at ebalwasyon ay nagiging mahalagang bahagi ng susunod na proseso nang pagpaplano.
k. Pagsasadokumento ng karanasan sa partnership
Kung tutuusin kulang ang mga dokumento hinggil sa karanasan ng mga organisasyon sa partnership. Kaya magandang maisadokumento ang naging resulta ng mga pakikipag-ugnayan ng NMA, lalo na at ito ay kinabibilangan ng mga relasyon/ugnayan sa iba’t ibang aktor sa larangan ng gawaing pang kaunlaran. Kabilang na rito ang mga mamamayan sa komunidad, ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan, ang mga taong simbahan, ang mga taga iba pang NGOs at POs at ang mga nasa sosyo-sibikong organisasyon.
Kung ilalapat sa praktika ay masasabing may mga natatanging karanasan sa partnership. Subalit dahil sa kakulangan ng panahon ay hindi naman nagkaroon ng isang pananaliksik at pag-aaral hinggil dito. Ang maaari ko lamang ibahagi sa puntong ito ay ang mga pangkalahatang programang napaunlad sa Pilipinas na may malakas na aspeto ng partnership. Kabilang na rito ang “community-based health program” (CBHP) at ang “community-based disaster response and management” (CBDRM).
Malaki ang elemento ng ugnayan ng lahat ng sektor sa komunidad sa dalawang programang ito. Kaya iba’t ibang porma ng partnership ang nakapaloob dito subalit lahat ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng “people’s participation, unity of issues, mutual trust and respect, at transparency” o yung mga una nang nabanggit na mga prinsipyo ng partnership.
Ang CBHP ay nakapagluwal ng mga health workers sa komunidad na siyang nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Ito rin ay nagbigay daan upang magkaroon ng mga botika at kooperatiba sa mga lugar na dati-rati ay walang access sa mga gamot lalong lalo na doon sa mga gamot na hindi ibinebenta na may malaking tubo.
Maituturing ding tagumpay ang CBHP dahil nagbigay daan ito upang talikuran ng marami sa ating mga kababayan ang mga di siyentipiko at di epektibong praktika ng panggagamot na karaniwang tinatangkilik sa mga liblib at malalayong lugar. Pinalawak din nito ang kaalaman ng ating mga mamamayan sa kahalagahan ng mga tradisyunal at epektibong pamamaraan ng panggagamot gaya nang paggamit ng mga halamang gamot na nasa ating kapaligiran.
Pag-asa at oportunidad na matulungan ang mas nangangailangan sa ating lipunan ang ibinigay, higit sa anupaman ng CBHP. Malayong naunang napaunlad ang CBHP sa Pilipinas kung ikukumpara sa CBDRM subalit dahil na rin sa tindi ng mga kalamidad na sa tuwi-tuwina ay dumadating sa ating bansa, unti-unti na ring napapatimo sa kaisipan ng ating mga kababayan ang CBDRM o ang buo at kumprehensibong programa upang harapin ng mga mamamayan mismo ang mga kalamidad, maging ito man ay gawa ng tao o mula sa kalikasan. Nagkakaroon ng mga pagsasanay at gawain ang komunidad upang mapaghandaan ang mga kalamidad. Nagkakaisa ang lahat ng sektor sa komunidad kabilang na ang simbahan, pamahalaan, mga sosyo-sibikong organisasyon at ang mismong organisasyon ng mga mamamayan upang rumesponde sa anumang kalamidad na darating. Hindi na nila hinihintay pa ang mga babala ng bagyo,halimbawa, bagkus ay may pang matagalang pag-aaral, paghahanda at pagkilos upang sama-samang harapin ang anumang kalamidad na dumating sa kanilang lugar.
Ang CBHP at CBDRM ay sistematikong ipinapatupad sa mga istrukturang malinaw at matibay (stable). Ito ay pinapamahalaan sa paraang episyente (efficient) at epektibo. Mayroon itong regular na pagsubaybay at pagtatasa. May mga taong gumagampan ng kanilang gawain sa abot ng kanilang makakaya dahil alam nila ang direksyon at layunin ng mga ganitong programa. Ang mga prinsipyo at mekanismo ng partnership ay kongkreto at naisasapraktika sa dalawang programang pangkaunlaran, ang CBHP at CBDRM.
Sa pangkalahatan ay masasabi nating buhay na buhay din ang karanasan ng partnership sa NMA lalo na sa project area nito sa Marinduque. May mga tagumpay na nakamit gaya nang pagkakaroon ng panimulang mga pagkakaisa sa mga adhikain at gawain. Sa kabilang banda ay masasabi rin nating marami pang pagbabagong dapat na maganap at mga hakbang na dapat gawin upang higit pang maging kapaki-pakinabang ang partnership na ito. At sa pag-usad ng prosesong iyan, inaasahan nating pagsusumikapan ng lahat ng kalahok na alalahanin at isabuhay ang mga prinsipyo at mekanismo ng partnership.